Kelot, tiklo sa pagnanakaw at shabu

Kelot, tiklo sa pagnanakaw at shabu

October 26, 2022 @ 4:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang binata matapos pagnakawan ang kanyang kalugar at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong Theft at paglabag sa Section 11 of RA 9165 (Possession of Dangerous Drugs) ang suspek na kinilala bilang si Christ Danoza, 31, vendor ng Bagong Sibol St., Purok Kwatro, Brgy. Mapulang Lupa.

Base sa isinagawang imbeatigasyon ni PSSg Carlos Erasquin Jr., nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa Orosco St., Purok Kwatro, Brgy. Mapulang Lupa si Jomaru Nozawa, 25, construction worker dakong alas-11:30 ng umaga nang dumating ang suspek at hinablot ang kanyang wallet bago mabilis na tumakas.

Hinabol ng biktima at humingi ng tulong sa mga bystanders sa lugar na tumulong sa paghabol hanggang sa makorner ang suspek sa Kaunlaran St., kung saan siya pinagtulungan bugbugin ng taumbayan.

Naawat lamang ang pangbubugbog nang dumating ang rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station 8 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nang kapkapan, nakuha ni PCpl Jaime Barlaan sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P2,040 ang halaga at ang wallet ng biktima na naglalmaan ng P150.00 cash at ID. R.A Marquez