Kelot tiklo sa shabu sa QC

Kelot tiklo sa shabu sa QC

December 14, 2022 @ 9:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang mahulihan ng aabot sa P52,000 halaga ng shabu sa Quezon City.

Ang suspek ay kinilalang si Joseph Balanoyos, 45-anyos at residente ng Alley 3, Howmart Road, Brgy. Baesa ng naturang lungsod.

Ikinasa ang operasyon madaling araw ng Miyerkules, Disyembre 14 sa pangunguna ni Asst. Chief DDEU PMAJ Wennie Ann Cale sa ilalim ni PMAJ Hector Ortencio, OIC, DDEU at sa pakikipagtulungan sa PDEA.

Narekober mula kay Balanoyos ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, pitaka, cellphone at P500-peso bill at apat na P1,000 na boodle money.

Nasa humigit-kumulang walong gramo ang nasabat na shabu na may estimated stret value na P52,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang suspek. RNT