Kelot tiklo sa sumpak

Kelot tiklo sa sumpak

June 21, 2022 @ 2:21 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng sumpak matapos itawag ng isang concerned citizen sa Caloocan City.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Philip Cruz y Villa Vicencio, 42, residente ng Brgy. 12 ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU), sa pangunguna ni PMAJ RENGIE O. DEIMOS, Chief DSOU nirespundihan nila ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen dakong alas-11:20 ng gabi tungkol sa isang lalaking may hawak ng umano’y baril sa kahabaan ng LapuLapu Ave. Barangay 12.

Mabilis nagtungo ang pulisya sa nasabing lugar at nakita pa ng mga ito ang suspek na naglalakad at may dalang improvised shotgun na naging dahilan upang dakpin ang suspek.

Narekober sa suspek ang isang improvised shotgun o sumpak at isang 12 gauge live ammunition.

Mahaharap sa kasong R.A 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition) ang suspek. R.A Marquez