Kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos Sur

Kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos Sur

October 16, 2020 @ 12:33 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Ilocos Sur, Philippines – Hindi nakapalag ang isang 41-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. Nalasin, Sto. Domingo ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Fernando Tabangin Tabalan, Jr., may asawa, residente ng Brgy. Sto. Tomas ng naturang bayan.

Matapos iabot ni Tabalan sa poseur-buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, biglang lumabas sa kanilang pinagtataguan ang mga pulis at agad na inaresto ang suspek.

Bukod sa buy-bust item, nakumpiska rin mula sa suspek ang 2 iba pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1 gramo at halagang P8,000; buy-bust money na P1,000 at isang Samsung JPrime na cellphone.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkakasanib na puwersa ng Sto. Domingo MPS (lead unit) PDEA ISPO, PIB/PDEU ISPPO at RDEU RO1.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodya ngayon ng Sto. Domingo Municipal Police Station. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...