Kelot timbog sa buy-bust sa Nueva Ecija

Kelot timbog sa buy-bust sa Nueva Ecija

September 27, 2020 @ 3:17 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Nueva Ecija, Philippines – Humihimas ngayon ng malamig na rehas ang isang 30-anyos na umano’y tulak ng iligal na droga matapos na kumagat ito sa pain, sa Adriana St., Brgy. Abar 1st, San Jose City,  Nueva Ecija kahapon, Setyembre 26.

Kinilala ni Police Lt. Col. Heryl L. Bruno, hepe ng San Jose City Police Station, ang suspek na si Dario De Guzman, may live-in partner, tricycle driver residente ng Adriana Street, Zone 4, Brgy. Abar 1st, San Jose City, Nueva Ecija. 

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Mark Joseph Vitalista, P/Cpl. Jonard Anastacio at P/Cpl. Elmer Macapagal, may hawak ng kaso, ganap na 1:25 ng hapon ng magtakda ng isang operasyon kontra droga ang grupo ng SDEU/Intel. Operatives ng San Jose City Police sa koordinasyon pa rin ng PDEA-R3 sa nabatid na barangay.

Di-umano ay positibong nakabili mula sa suspek ng pakete ng hinihinalang shabu ang pulis poseur buyer gamit ang 500 peso bill buy-bust marked money with serial number  G781906 na may markang letter D sa bahaging noo ni Benigno Aquino Jr. 

Narekober mula sa pangangalaga ng suspek ang umano’y buy-bust money, pakete ng shabu at (1) unit ng bajaj tricycle with body number 5557.

Kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Article II Republic Act 9165 ang kahaharapin ng suspek. Elsa Navallo


  •  
  •  
  •  

Loading...