Kelot timbog sa shabu sa Malabon

Kelot timbog sa shabu sa Malabon

July 10, 2021 @ 12:18 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu ng mga pulis sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Dexter Salido, 23 ng Blk 3, Lot 37, Phase 2, Area 3, Brgy. Longos.

Sa operasyon, napansin ng mga pulis ang suspek na abala umano sa pagbusisi ng hawak na isang transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang nasa 0.5 gram ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P3,400.00 na naging dahilan upang arestuhin ito.

Kasong paglabag sa Sec. 11 (Possession of Dangerous Drug) Art ll of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Boysan Buenaventura)