Kelot tinarakan sa dibdib ng kalugar, kritikal

Kelot tinarakan sa dibdib ng kalugar, kritikal

July 13, 2022 @ 1:34 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Huling napaulat na nasa kritikal na kalagayan ang isang 35-anyos na binata matapos tarakan sa dibdib ng ice pick ng kanyang kalugar sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktima na kinilalang si Dave Dadullo, ng 417 Brgy., NBBN.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na kinilala bilang si Romar Tadinaw, tauhan ng Brgy. NBBN at residente ng 447 ng nasabing barangay.

Sa report ni PCpl Florencio Nalus kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Kahabaan ng Linchangco St., Brgy. NBBN.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana ang biktima sa barangay hall ng NBBN para dumalo sa gagawing pagdinig sa pagitan nila ng suspek nang biglang lumapit si Tadinaw na may hawak na ice pick at tinarakan sa dibdib si Dadullo.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan samantalang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. Boysan Buenaventura