Kelot tinodas sa kalsada sa QC

Kelot tinodas sa kalsada sa QC

October 24, 2022 @ 4:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang barilin sa ulo ng malapitan ng hindi pa nakikilalang salarin habang papauwi sa kanilang tahanan kagabi, Oktubre 23 sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Michael Quiopa Mercino, nasa hustong gulang, residente ng B2 L1 Perlas ng Silanganan St., Brgy. Kaligayahan, Q.C.

Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Pasong Putik Police Station (PS-16), pasado alas-8:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa B1 L11 Ruby Stone St., Brgy. Kaligayahan, Q.C.

Sa imbestigasyon ni PCpl Mark Jeneson Castillo ng PS-16, naglalakad umano si Mercino papauwi sa kanilang tahanan ng bigla na lamang umanong sumulpot ang hindi kilalang suspek at malapitang binaril ang biktima.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang armas na ginamit sa pamamaril.

Sinubukan pang isugod sa Bernardino Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang kapulisan sa motibo ng pamamaslang sa biktima na posibleng tumukoy sa salarin. Jan Sinocruz