Kelot tumulong sa pamatay-sunog, patay sa kuryente

Kelot tumulong sa pamatay-sunog, patay sa kuryente

December 21, 2022 @ 12:05 PM 2 months ago


TALISAY, Cebu – Patay ang isang lalaki na tumulong sa mga bumbero para umapula ng sunog matapos na makuryente sa nasaging live wire.

Napag-alaman sa mga bumbero na tumutulong ang biktimang si Jonard Requilme kahit hindi naman damay ang kanilang bahay sa sunog.

Sa kwento ng livein partner ng biktima, natutulog na umano si Jonard nang mangyari ang sunog sa Sitio Krusan Barangay Bulacao, Talisay City.

Nang marinig ang sigawan ng tao ay agad itong pumunta sa pinangyarihan ng sunog.

Ngunit habang kinukuha niya ang hose, nasagi niya ang nakalambiting live wire at dito na siya biglaang natumba.

Isinugod agad siya sa ospital ngunit binawian na ito ng buhay.

Umabot sa 12 bahay ang tuluyang natupok ng apoy, ay may 16 na iba pa na bahagyang napinsala. Aabot naman sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan at ang barangay sa pamilya ni Jonard, at sa mga naapektuhan ng sunog.

Sasagutin din ng Talisay LGU ang pagpapalibing kay Jonard. RNT