Kelot utas sa riding-in-tandem

Kelot utas sa riding-in-tandem

January 29, 2023 @ 8:22 AM 2 months ago


ILOCOS SUR – Tigok ang isang 46-anyos na lalaki matapos barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Immayos Norte, San Juan ng lalawigang ito kagabi, Enero 28.

Kinilala ng San Juan Municipal Police Station ang biktima na si Raphael Hipolito Elefante y Ragudo, residente ng Brgy. Alinaay, Cabugao, Ilocos Sur.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na bumanat sa biktima.

Nakasakay ng Motorstar 155 motorcycle at bumibiyahe sa national highway sa naturang lugar ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos barilin ang biktima.
Ang biktima ay agad na dinala sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng San Juan MPS para alamin kung ano ang motibo ng nangyaring pamamaril at para na rin tukuyin kung sino ang mga suspek. Rolando S. Gamoso