Kelvin Miranda, maglalabas ng 3rd single!

Kelvin Miranda, maglalabas ng 3rd single!

September 15, 2022 @ 10:30 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Finally, nag-recording na si Kelvin Miranda at nakatakda nang ilabas ang 3rd single niya sa GMA Records, na may title na Sumasayaw. Isa itong indie pop song inspired by Boy Pablo.

“Wala po kasi muna ako sa taping ng Unica Hija

kaya nagkaroon ako ng time mag-recording,” sabi niya.

FYI, ang dalawang naunang songs ni Kelvin ay parehong hit, ang Basta Masaya Tayo (duet with Mikee Quintos) at ang Slow Dance kung saan gumawa pa siya ng music video at kapartner niya ang Running Man PH star na si Angel Guardian.

Sa bagong soap niya sa GMA Afternoon Prime, ang Unica Hija, ka-partner niya dito si Kate Valdez. Isang dramatic team-up ng dalawang Sparkle Stars na inaabangan ng viewers ngayong October 2022. Noel Asinas