Ken Chan, aminadong kuripot!

Ken Chan, aminadong kuripot!

January 29, 2022 @ 8:43 AM 8 months ago


Manila, Philippines – “Matipid!”

Ganito rin katipid ang sagot ni Ken Chan nang tanungin kung ano ang sikreto niya kung bakit sa murang edad ay marami na siyang naipundar.

Dala rin ng kanyang Chinese lineage kung bakit masinop siya sa buhay.

Ikinuwento ng Kapuso actor ang values na itinuro ng kanyang pamilya partikular sa aspeto ng pag-iimpok.

Aniya, kapag kumita raw ng sampung piso’y piso lang doon ang gagastusin niya, and the rest ay napupunta na sa ipon.

Inamin din ni Ken na never daw niyang kinahiligang bumili ng bagong damit, sapatos, alahas at pabango.

Maging ang ginagamit daw niyang sasakyan, hangga’t maaari’y patatagalin niya nang limang taon o higit pa bago niya ‘yon palitan.

Kaya naman don’t look now.

Hindi sa pagmamayabang, nakapundar na si Ken ng ilang branches ng IFuel gasoline station particularly outside Metro Manila.

He’s also into wellness industry dahil sa kanyang Aromagicare chair.

Wait, there’s more. Meron pa siyang itinayong Christmas-themed Cafe Claus sa Tandang Sora na isa raw niyang childhood dream.

It will soon open in Greenhills, aniya sa kanyang expanding resto business.

No dout, this early ay marunong nang humawak ng pera si Ken. Ang suwerte naman ng kanyang partner-to-be…si Rita Daniella na kaya ‘yon?

Anyway, magsilbing inspirasyon sana sa maraming artista ang kuwento ni Ken, a lot of whom ay sa wala ang kinapuntahan ng kanilang mga kinikita sa showbiz. Ronnie Carrasco III