Ken, inaming sinaktan si Rita!

Ken, inaming sinaktan si Rita!

February 27, 2023 @ 7:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Nakapanayam ni Paolo Contis ang Kapuso actor na si Ken Chan tungkol sa kanyang mga pinagdaanan bago pa man siya nakilalang isang magaling na actor at matagumpay na talent ng GMA-7.

Ito ay nangyari sa online show niya na “Just In.”

Ani Ken, nagsimula raw siya noon sa pagmomodelo sa commercials.

Katunayan, noong nakapasok daw siya sa showbiz at dumarami na ang offers sa kanya, pinili niyang huminto sa pag-aaral na hanggang ngayon ay hindi na niya nabalikan.

Wala raw siyang ‘regrets’ dahil natupad ang pangarap niya hindi lang bilang artista kundi bilang successful businessman.
Bukod sa kanyang restaurants, isa rin siya sa may-ari ng isang brand ng health and fitness products.

Pumasok na rin sa pagpro-prodyus ng pelikula ang actor at hopefully ay gusto pa niyang makagawa ng marami pang makahulugang obra.

Sa panayam sa kanya, isinawalat ni Ken na galing siya sa isang broken family na siyang dahilan na sa batang edad ay pinasan na niya ang responsibilidad ng kanyang pamilya.

Ibinunyag din niya na lima ang pamilya ng kanyang dad at hindi sila ang nauna.

Noong malaman daw niya ito, hindi raw naman sumama ang loob niya sa kanyang ama.

Katunayan, natuwa pa nga raw siya dahil nakilala niya ang kanyang extended family.

Gayunpaman, alam daw niya noon na ‘hurting inside’ ang kanyang mom.

Para rin sa Kapuso actor, malaki raw ang utang na loob niya sa namayapang Master Showman na si German Moreno dahil dito siya nagsimula.

“My Special Tatay” at “Destiny Rose” naman ang masasabi niyang breakthrough teleseryes na nagpakilala sa kanya bilang isa sa mga bankable actors ng Kapuso network.

Sa nasabing online show, sumalang din si Ken sa “champion o tapon” challenge kung saan kailangan niyang mamili kung bet niya o hindi ang itatanong sa kanya.

Sa tanong na “one night stand,” tapon ang naging saggot niya.

Aniya, hindi pa raw niya na-experience ang magkaroon ng ‘one-night-stand’ at kung sakali man ay di niya trip ito.

Katuwiran niya, siya raw kasi iyong klase ng guy na ang daling ma-in love kaya kung magkakaroon man siya ng fling o one-night stand, hindi maiaalis na bukod sa attraction ay agad siyang ma-fall dito.

Hirit pa niya, iniiwasan daw niya ito dahil talo siya sa huli sa kadahilanang mag-i-invest siya ng emosyon sa kanyang makakaniig.

Sa panayam naman ni Boy Abunda kay Ken sa Fast Talk, inamin ni Ken na totoong na-in love siya sa kanyang partner na si Rita Daniela.

Dagdag pa niya, aminado rin daw siyang na-hurt niya ang dating ka-love team subalit pinili na lang daw nilang maging mabuting magkaibigan dahil magkaiba ang kanilang mga prayoridad sa buhay.

“Inamin namin sa isa’t isa kung gaano namin kamahal ‘yung isa’t isa, more than friends, more than katrabaho, beyond that. Pero alam namin ‘yung limitasyon namin. May sarili siyang priorities. Ako rin, Tito Boy,” deklara niya. “So, naintindihan naman niya pero hindi ko naiwasan na masaktan siya. Nasaktan ko siya,” dugtong niya.

Sa ngayon, okey na raw naman ang relasyon nila ni Rita bilang magkaibigan. Archie Liao