Ken ng SB19, may solo single na!

Ken ng SB19, may solo single na!

September 15, 2021 @ 1:20 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – May solo debut single na ang SB19 member na si Ken at ilulunsad ito sa September 18.

“Palayo” ang titulo ng single at nag-release si Ken kamakailan ng sneak peek ng teaser photos at sneak peek ng music video ng debut single.

Sa isang set ng photos ay may suot siyang multi-colored bucket hat at sweater.

Sa pangalawang set ng pictures, mas na-excite ang fans dahil mukha siyang isang prinsipe na naka all-white na outfit with a glamorous hair candy.

Sa 30-second sneak peek video naman, bumababa si Ken sa isang grand staircase before showcasing more of his looks.

Ang video ay may nakatitik na mga salitang Cebuano: “Dagan ko ‘Palayo’ na sa imo [I will run away from you].”

“Felip” ang totoong pangalan ni Ken, at yon ang gagamitin n’ya sa solo debut single n’ya.

As of writing, “Palayo” is among the top trending topics on Twitter with the hashtag #PALAYOTeaserPhotos2.

Ang SB19 ay kinabibilangan nina Ken, Pablo, Josh, Stell, at Justin. SB19 is known for their hit songs “Mapa,” “What?” and “Go Up.”

They recently collaborated with Ben&Ben on the song “Kapangyarihan.” Danny Vibas


  •  
  •  
  •