Kendal Jenner, rumesbak sa basher ng ‘inappropriate’ wedding guest dress!

Kendal Jenner, rumesbak sa basher ng ‘inappropriate’ wedding guest dress!

January 12, 2022 @ 7:29 PM 7 months ago


Hollywood, USA – Pumalag si Kendal Jenner sa mga nagsasabing ‘inappropriate’ ang suot niyang wedding guest dress.

Sa ginanap kasing kasal ng bestfriend nito na si Lauren Perez, umani ng batikos ang aktres dahil sa revealing monot black dress nito.

Makikita sa pictures ni Kendall sa nasabing wedding na sa may part ng dibdib, nipple nalang nito ang nakatakip.

Paliwanag ng American model, may blessing ng bride ang damit na sinuot niya lang sa reception.

“Inappropriate outfit at wedding Kendall Jenner I’m embarrassed for you. #cringe,” saad ng isang netizen na kumuha sa attention ng bride.

“Tell em! She looked stunning and I loved it,” reply ni Lauren.

Na ni-reply-an naman ni Kendall ng, “obvi asked for your approval in advance too! We love a beach wedding.”

Currently, naka-hide na ang comments sa nasabing post ni Perez sa Instagram.

Iwas basher na rin siguro. Paula Jonabelle Ignacio