Malakanyang: Mga OFW sa Sri Lanka tiniyak ng DFA na makakauwi

May 27, 2022 @8:00 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Sinabihan ng Malakanyang sa overseas Filipino workers (OFWs) na nais nang umuwi ng Pilipinas mula Sri Lanka na makipag-ugnayan sa Philippine embassy sa Dhaka o Honorary Consulate sa Colombo.
Sinabi ni Acting Deputy Presidential Spokesperson, Communication Undersecretary Michel Kristian Ablan, nananatiling “on top of the situation” ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng economic crisis sa Sri Lanka.
Tinatayang may 581 Pilipino sa Sri Lanka, ayon sa pinakahuling datos ng DFA, at karamihan sa mga ito ay patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya sa South Asian nation.
“Kapag nagkaroon po ng problema, tawagan lang po nila ang embahada o ang ating consulate para ma-repatriate na po sila,” ayon kay Ablan.
Sa ulat, sa isang panayam kay Filipino community adviser in Sri Lanka, Zeny Yabut, sinabi nito na nais ng mga Pilipino na umuwi na ng Pilipinas dahil sa financial crisis na naging dahilan ng kakapusan sa mga pangunahing bilihin at langis.
Inulit naman ni Ablan ang naging pahayag ng DFA na, “There is still no repatriation request.”
“We empathize with our Filipino kababayans na nasa Sri Lanka. Pero ayon po sa DFA, wala pa rin po silang natatanggap na tawag mula sa ating mga Pilipino doon, sa embahada natin sa Dhaka at sa honorary consulate natin sa Colombo,” ayon Kay Ablan. Kris Jose
Extortion, terorismo tinitingnang anggulo sa pagpapasabog sa Koronadal bus

May 27, 2022 @7:45 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Tinitingnan ang dalawang anggulo bilang motibo sa pagpapasabog sa isang bus sa Koronadal City, South Cotabato nitong linggo, base sa isang opisyal nitong Biyernes.
Sinabi ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena na maaaring extortion o terorismo ang motibo ng mga salarin.
Hawak na umano ng mga pulis ang sketch sa dalawang hinihinalang may pakana ng pagpapasabog, dagdag pa ng alkalde.
Paniwala ni Ogena, may koneksyon ang pagpapasabog sa Koronadal at sa Tacurong City sa Sultan Kudarat kamakailan.
Hindi pa matukoy kung anong uri ng pampasabog ang ginamit sa bus nitong Huwebes.
Pinabulaanan naman ng pamunuan ng Yellow Bus Line, Inc. na extortion ang dahilan. Batay kay Bernardo Bolanio, operations manager, wala silang natanggap na text o tawag ng pagbabanta bago ang insidente.
Ikakasa rin umano nila ang internal investigation oras na mailabas na ng pulis ang driver at konduktor ng bus.
Nilinaw naman ng regional police na isa lamang ang sugatan sa nangyaring pagpapasabog.
Taliwas ito sa naunang spot report na inilabas ng South Cotabato Police Provincial Office kung saan lima ang naitalang sugatan. RNT/SA
Graft conviction ni Jun Lozada pinagtibay ng SC

May 27, 2022 @7:30 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Korte Suprema nitong Biyernes ang graft ruling laban kay NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. sa paggawad niya ng leasehold rights sa pampublikong lupa sa kanyang kapatid sa ilalim ng government-owned corporation program.
Sa 17-page resolution, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Lozada at ng kanyang kapatid na si Jose Orlando Lozada, at sinintensyahan sila ng minimum imprisonment na anim na taon at isang buwan at maximum imprisonment na 10 taon at isang araw.
Inakusahan ng Ombudsman si Lozada noong 2007 ng “partiality” at pagbibigay ng unwarranted benefits nang igawad niya ang mahigit 6.599 ektarya ng pampublikong lupa sa kanyang kapatid sa ilalim ng Lupang Hinirang Program ng Philippine Forest Corporation (Philforest).
Si Jun Lozada noong panahong iyon, ang presidente ng Philforest.
Hinatulang guilty sa graft ng Sandiganbayan ang magkapatid Sandiganbayan noong Agosto 2016.
“[R]odolfo’s issuance of a notice of award of leasehold rights in Orlando’s favor, despite non-compliance with the application and auction requirements, smacks of unwarranted and unjustified preference,” sabi ng SC.
“The fact that Orlando was granted a notice of award, even if he did not go through the required procedure, is sufficient to establish that there was a preference in his favor.”
“Lastly, the petitioners’ constitutional right to be informed of the nature and cause of the accusations against them was not violated,” patuloy pa nito.
Si Lozada ay whistleblower sa multi-million NBN-ZTE deal kung saan sangkot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. RNT/SA
Chinese envoy nagpasalamat kay PDu30

May 27, 2022 @7:15 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Pinasalamatan ni China’s Ambassador to Manila Huang Xilian nitong Biyernes si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang “great contributions” sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Manila at Beijing, at hiniling ang pinakamainam para sa kanya sa pagbaba niya sa pwesto.Â
Nag-post si Huang ng larawan sa social media na kuha sa Malakanyang nitong Miyerkules, nang tanggapin ni Duterte ang 4 na bagong diplomats mula sa Greece, Cambodia, Argentina, at Indonesia.
“Happy to join other ambassadors to meet His Excellency President Rodrigo Roa Duterte on 25 May. I extended my gratitude to President Duterte for his great contributions to the development of China-Philippines relationship in the past 6 years,” pahayag ng Chinese envoy.Â
“I also showed my sincere respect to him for adhering to an independent foreign policy. I wish him every success and expect his continuous support to China-Philippines friendship,” dagdag pa niya.
Isinulong ni Duterte, na nakatakdang matapos ang termino sa Hunyo 30, ang maayos na relasyon sa Tsina sa kanyang anim na taon sa opisina, habang nag-alok naman ang Beijing ng infrastructure at pandemic aid sa gitna ng agawan sa West Philippine Sea, ang exclusive economic zone ng bansa sa South China Sea.Â
Kahit na ibinasura ng Hague tribunal ang protesta ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo, patuloy na binabalewala ng Beijing ang ruling.
Sinabi ni Huang noong Mayo 2021 na “properly handled” ang iringan sa South China Sea sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Matatandaang sinabi ni Duterte kay Huang noong Abril na ang Manila at Bejing “do not have any quarrel” ukol sa Spratlys. RNT/SA
BRP Melchora Aquino umarangkada na pauwi sa Pinas

May 27, 2022 @7:00 PM
Views:
26