Kennon Road muling binuksan sa mga motorista

Kennon Road muling binuksan sa mga motorista

November 7, 2022 @ 8:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Matapos ang halos isang linggo na pagsasara sa mga motorista, muling binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Linggo angKennon Road na ikinandado dahil sa isyu sa kaligtasan kasunod ng pananalasa ng severe tropical storm “Paeng”.

Subait, nagpaalala ang Joint Inter-Agency Task Force (JIATF) Kennon sa lahat ng mga motorista na dumaraan dito na mag-ingat.

“Drive safely, strictly adhere to traffic and parking rules (and safety signage), and follow the speed limit as indicated in various signage along Kennon Road,” ayon sa abiso.

Pinaalalahan din ng task force ang road users na ang mga sasakyan na mas mabigat sa 10 tonelada ay hindi makadaraan sa Kennon Road.

“In case of inclement weather, imminent weather disturbance, or detected ground shaking/earthquake with or without aftershock/s which may trigger landslides and rock falls, the DPWH CAR (Cordillera Administrative Region, through the Benguet 1st DEO (District Engineering Office), shall immediately close the Kennon Road until further notice, as public safety is guaranteed,” patuloy nito. RNT/SA