Kennon Road sa Baguio City bukas tuwing Biyernes-Sabado simula Nob. 26

Kennon Road sa Baguio City bukas tuwing Biyernes-Sabado simula Nob. 26

November 26, 2021 @ 2:31 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Bubuksan na sa publiko ang Kennon Road sa Baguio City sa publiko tuwing Biyernes hanggang Sabado simula sa Nobyembre 26.

Ayon sa Office of the Civil Defense-Cordillera Administrative Region (OCD-CAR) at Cordillera Regional Disaster Risk Reduction & Management Council (CRDRRMC), ang mga motoristang patungong Baguio ay papayagang dumaan sa Kennon Road mula 5:00 a.m. ng Biyernes hanggang 5:00 a.m. ng Linggo, habang ang Manila-bound motorist na pauwi ay papayagan hanggang 5:00 a.m. hanggang 12 midnight.

Sinabing ito ay para mabawasan ang trapiko sa Marcos Highway bilang hiling na rin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Nagpaalala naman ang Joint Inter-Agency Task Force Kennon (JIATF Kennon) sa mga motorista na sundin ang proper speed limit na 30 kph, driving safety precautions, parking, at traffic rules kasama na ang 5-ton (gross tonnage) limit.

Kakailanganin lamang ng mga sumusunod para sa magnanais pumasyal sa Baguio:

  •     Baguio Visita registration with QR-coded Tourist Pass (https://visita.baguio.gov.ph)

  •     Vaccination card/certificate

  •     Health screening and verification sa triage ng Baguio .

RNT/FGDC