Kennon road sarado muna sa mga ‘di residente – DPWH

Kennon road sarado muna sa mga ‘di residente – DPWH

September 25, 2022 @ 8:38 AM 2 months ago


BAGUIO CITY – Bilang paghahanda sa paparating na bagyong Karding, pansamantala munang isinara ng Department of Public Works and Highways ang Kennon Road sa mga hindi residente ng lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ng DPWH – Cordillera Administrative Region na pansamantalang hindi muna padadaanan ang naturang kalsada sa mga hindi residente ng Baguio City.

“All motorists (non-residents) are advised to pass thru Marcos Highway, Baguio-Bauang Road (Naguilian Road), or Asin-Nangalisan-San Pascual Road,” anang ahensya sa kanilang advisory.

Matatandaan na nauna nang sinabi ng PAGASA na posibleng mag-landfall ngayong araw, Setyembre 25 ang bagyo na makakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon. RNT/JGC