Ginulat ni Angelique Kerber ang lahat matapos nitong talunin si Serena Williams sa score na 6-3 at naging dahilan para makamit niya ang kaniyang unang Wimbledon title, kahapon (July 14).
Sinamantala ni Kerber ang error-strewn performance ng 7 times champion para maging ikalawang babaeng German na nanalo ng title kasunod ni Steffi Graf noong 1996.
Ito ang ika-apat na tournament ni Williams mula noong siya ay naging ina noong September.
Pinigilan ni Kerber si Williams para mapantayan ang record ni Margaret Court na 24 Grand Slam title.
Umaasa rin si Williams na maging kauna-unahang ina na mananalo ng Wibledon sa kasalukuyan sunod kay Australian Evonne Goolagong noong 1980.
Si Williams, 36-anyos, ay hindi pa natatalo sa All England Club simula noong 2014, bukod pa rito, hindi rin siya nagpapigil noong mga nakaraang linggo at isang hakbang nalamang sana para makatungtong sa 10th Wimbledon final.
Nalinlang si Williams ni Kerber sa ginawa nitong pag-ilag bilang depensa na nagresulta ng napakaraming error sa unang set.
Nag-serve si Williamas ng tatlong beses sa opening set at kahit na pinilit niyang makabawi sa sa pangalawa, natalo pa rin siya sa laban na may score na 2-3 at saka gumawa si Kerber ng running pass.
Kinabahan naman si Kerber kay Williams sa serving match dahil nakabawi ito sa 30-30 pero inako na nito ang kampyonato ng pumasok sa net ang palo ni Williams.
Ang pagkapanalong ito ay bilang ganti para sa pagkatalo ni Kerber kay Willimas noong 2016. (Remate News Team)