KERNEL NA HVT AT 9 IBA PA

KERNEL NA HVT AT 9 IBA PA

August 7, 2018 @ 6:43 PM 5 years ago


Kamakalawa, tinumba ng apat na bala si Superintendent Roberto Palisoc habang nakasakay sa isang tricycle sa San Andres St., Malate, Manila.

Sabi ni National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar, isa umanong high value target sa droga si Palisoc.

Matatandaang kabilang si Palisoc sa mga pulis na tinawag ni  Pang. Rodrigo Duterte na ninja cop ng Manila Police Department noong chief inspector pa lamang siya at hepe ng Station 7.

Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Palisoc makaraan ng isang buwang pag-upo nito sa Malakanyang.

Kasama si Palisoc ng mga huwes, kongresman, mayor, vice mayor at iba pang mga lokal na opisyal na pinangalanan ni Pang. Digong na sangkot sa droga bilang protektor o kaya’y direktang nakaugnay rito.

Dahil sa ginawa ni Pang. Digong, agad namang inutusan ni Mayor Erap si dating MPD Direktor —- Coronel na isailalim sa lifestyle check ang mga pulis-Maynila na nasa druglist.

Natagpuan namang napunta na pala si Palisoc mismo sa NCRPO hanggang noong 2011 at nagtagal ito roon hanggang  magretiro noong Pebrero 1, 2016.

Sakaling totoo ang bintang kay Palisoc na malamang na totoo dahil nasa druglist nga siya ni Pang. Digong, maaaring hindi ito tumigil sa pagkakasangkot sa droga.

Kahit pa nagretiro ito bilang Superintendent, hindi na sinanto ang kanyang status.

Sino ang dumale kay kernel?

Wala pang nakaaalam.

Ang totoo, mabagsik ang droga.

Maaaring kasamahan din niya sa sindikato o nasaktan niya o mga aktibong pulis na maaari ring ninja cop din.

Malalaman lang ang buong katotohanan kung may mahuli na sangkot sa pagpatay sa kanya.

Pero ang higit na mahalaga, sakaling totoo na sangkot siya sa droga, crime does not pay.

Walang ibubunga ang droga na mabuti kundi kapahamakan.

Napakasimple ng kautusan ni Pang. Digong ukol sa salot na ito: “Huminto kayo at walang giyera.”

Pero kung hindi, the war would continue as it was in the beginning and it will be chilling. – LILY’S FILES NI LILY REYES