Kerwin Espinosa, 2 pa tinangkang pumuga sa NBI

Kerwin Espinosa, 2 pa tinangkang pumuga sa NBI

January 17, 2022 @ 10:53 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Tinangkang tunakas sa National Bureau of Investigation Detention Center ang tatlong bilanggo na pinangungunahan ni Rolan “Kerwin” Espinosa.

Sinabi ni NBI OIC-Director Eric B. Distor na napigilan ng mabilis at napapanahong pagkilos ng kanyang mga ahente ang pagtakas ni Espinosa at 2 pang bilanggo.

Pinuri naman nito ang kanyang bagong Chief at ang kanyang Executive Officer (ExO) ng Security Management Section (SMS) dahil napigilan ang planong pagtakas ni Espinosa mula sa kulungan ng NBI.

“As soon as they received the info, they immediately acted on it without delay”, sabi ni Distor

Napag-alaman na Enero 13 nang tangkaing tumakas ni Espinosa at dalawa pang bilanggo sa pamamagitan ng butas ng exhaust fan sa kisame.

Napansin ito ng abente ng NBI nang nag-inspeksyon sa kulongan at makita na na-deformed ang exhaust fan kung saan may isang butas na akma para makatakas ang bilanggo .

“In view of this incident, security measures at the jail has since been tightened with regular inspection of all jail facilities”, giit ni Distor. Jocelyn Tabangcura-Domenden