Kerwin Espinosa ipipiit sa mas mahigpit na detention facility

Kerwin Espinosa ipipiit sa mas mahigpit na detention facility

January 18, 2022 @ 7:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of Justice na ilipat ang confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa sa mas mahigpit na detention facility matapos subukang tumakas nito mula sa National Bureau of Investigation jail.

Tinangkang tumakas ni Espinosa dalawa pa noong Enero 13 sa paglusot sa butas ng exhaust fan sa kisame ng NBI facility.

“We believe that Kerwin Espinosa should be transferred to a more secure detention facility in view of the numerous cases that he is currently facing,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

“Ordinarily, unbailed individuals awaiting completion of their trial are detained in facilities of the BJMP,” aniya pa.

“The courts will determine the appropriate BJMP facility, but we’ll recommend the most secure one. The same arrangement will be recommended for the other detainees who attempted to escape,” patuloy ni Guevarra.

Matatandaang ibinasura ng Makati Regional Trial Court ang kaso laban sa self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa, at iba pa sa pagpalya ng prosecution na mag-presenta ng sapat na ebidensya. RNT/SA