Kevin Love, makikipag-trade na rin?

Kevin Love, makikipag-trade na rin?

July 6, 2018 @ 1:58 PM 5 years ago


NBA – Usap-usapan ngayon ang napababalitang nasa trading block na si Cleveland Cavaliers forward Kevin Love ayon kay Jason Lloyd ng The Athletic.

Isa umano sa posibleng paglipatan nito ay ang Los Angeles Lakes kung saan makakasama nito si LeBron James na tumanggap ng 4-year deal sa koponan.

Bukod dito, nag-aabang din ang Portland Trail Blazers para sulutin ang 30-year-old forward.

Dalawang seasons pa ang nalalabi sa deal ng five-time All-Star na si Love sa Cavaliers.

Si Love ay may average na 17.6 points at 9.3 rebounds sa loob ng kanyang 59-regular season games. (Remate News Team)