Khai Flores, walang takot, nakipagsabayan kay Janice!

Khai Flores, walang takot, nakipagsabayan kay Janice!

September 28, 2022 @ 9:29 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Pasado with flying colors ang acting skills ni Khai Flores para sa mga movie critics na nanood ng premiere night ng Sugat Sa Dugo kung saan siya ang bida.

Napagtagumpayan ni Khai ang mga mahihirap na eksena na in-effort niya tulad ng pagpapakita ng pain amd miseries ng isang taong may sakit na AIDS.

Bata pa si Khai ay dream na niyang maging actor. Natupad ito nang nagtiwala sa kanya ang producer/talent manager na si Bambbi Fuentes.

Nakipagsabayan si Khai sa veteran actress na si Janice de Belen in terms of acting.

FYI, nakakuha ng best actress award si Janice sa Manhattan Film Festival, New York City, sa pagkaka-portray niya ng kanyang character effectively sa Sugat Sa Dugo.

Si Khai ay lumabas na anak ni Janice na nagkasakit ng AIDS. Bunga ito ng pagiging sex worker niya.

Mapapanood na ngayon, September 28, sa mga sinehan ang Sugat Sa Dugo, na pelikula ni Danni Ugali, produced nina Bambbi at Tine Areola ng Dragons Talent Management and Productions.

Kasama rin ni Khai sa cast sina Sharmaine Arnaiz, Shira Tweg, Christa Jocson, Mira Aquino, RJ Ariar, Leone Andriano, Emcel K. Abuso and Joshua de Guzman. Noel Asinas