Khalil, asa pa sa na-carnap na kotse!

Khalil, asa pa sa na-carnap na kotse!

December 1, 2022 @ 3:19 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Buo pa rin ang paniniwala ni Khalil Ramos sa kakayahan ng ating kapulisan.

Ito’y sa kabila ng katotohanang lampas isang buwan nang na-carnap ang kanyang sasakyan.

October 27 nang ma-carnap ang sasakyan niyang ayon sa kanya’y may sentimental value pa mandin.

Ang tinutukoy ng Sparkle artist ng GMA ay vintage na Mitsubishi Montero na pag-aari raw ng kanyang lolo.

The vehicle was later taken good care of by his dad hanggang mapasakanya ‘yon.

Sobrang ingat na ingat nga raw si Khalil sa itinuturing niyang pamana, pagkatapos ay pag-iinteresan lang ng mga carnapper?

Even more than a month since it went missing, umaasa pa rin daw si Khalil sa kakayahan ng Anti-Carnapping Unit ng Philippine National Police na isa sa mga araw na ito’y matunton nila ang nasabing sasakyan.

Alam naman nating lahat that vintage cars which are still in good working condition command a higher price kesa sa mga sasakyan with the same brand.

Ang problema nga lang, to avoid recognition of the carnapped vehicle ay kinakarne ito at ipinagbibili ang mga mapapakinabangang piyesa.

May running joke tuloy na angkop sa sitwasyon ni Khalil na nagbida sa late night mystery-romance series ng GMA na Love You, Stranger kasama ang nobyang si Gabbi Garcia.

Hate You, Carnapper na raw! Ronnie Carrasco III