Khan vs Pacquiao exhibition fight,  niluluto

Khan vs Pacquiao exhibition fight,  niluluto

June 30, 2022 @ 5:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ibinunyag ng retiradong light welterweight champion na si Amir Khan na may mga feeler mula sa Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na makipag-sagupa kay Manny Pacquiao sa isang exhibition match  matapos na matalo ang huli sa kanyang bid sa Presidential election noong nakaraang buwan.

“Well, a friend of mine got a phone call from Freddie Roach, who just said that, ‘Listen, we want to get a fight. Manny didn’t win the election. Let’s do like an exhibition with Manny, or maybe a proper fight.’ They want to do it in the UK,” ani Khan.

Si Khan, na dating nagsisilbing sparring partner ni Pacquiao noon, ay nagnanais ng malaking pera laban sa Filipino boxing icon sa buong karera niya. Gayunpaman, inihayag nito ang kanyang pagreretiro ng maaga sa taong ito matapos matalo kay Kell Brook sa pamamagitan ng sixth-round technical knockout.

Samantala, inihayag din ni Pacquiao na tapos na siya sa boxing bago niya opisyal na inihayag ang kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo. Huli siyang lumaban noong Agosto laban kay Yordenis Ugas kung saan natalo siya sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ngunit ang mga pagkakataon ng isang labanan ay malamang na malabong maganap,  lalo na kay Khan ay nagretiro na.

“You know what to be honest with you, all that bulls— chasing Mayweather, chasing Manny Pacquiao, it was not meant to happen noon, maybe it’s not meant to happen now. Hindi ko sila hahabulin ngayon,” sabi ni Khan.

“Medyo natawa ako dito. I didn’t even want to mention it because it’s probably all bollocks, to be honest with you.”RICO NAVARRO