Kiana Valenciano, dumaan sa depresyon?

Kiana Valenciano, dumaan sa depresyon?

July 20, 2018 @ 10:37 AM 5 years ago


Ibinahagi ng singer at anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana na dumaan siya sa depresyon at anxiety.

Sa kanyang post sa Instagram, sinimulan nito ang kwento nang may magtanong sa kanya ng ibig sabihin ng tattoo sa kanyang batok.

Dito na ikinwento ni Kiana kung ano ang mga pinagdaanan niya sa kanyang laban sa sakit na nagsimula noong 2016 kung saan dumating pa sa puntong hindi niya na namalayan na pisikal na niyang sinasaktan ang kanyang sarili.

Hanggang sa may kaibigan siyang nakapansin nan g mga gasgas at peklat sa kanyang batok.

Dito niya napagtanto na ang lahat ay humingi na ng tulong.

Matapos anya ang dalawang taon sa tulong ng Diyos, pamilya, nobyong si Sam Concepcion at mga kaibigan ay nalampasan niya ang pinagdaraanang sakit.

Hinimok niya rin ang kanyang mga followers na kung mayroong pinagdaaanan ang mga ito ay huwag matakot na papasukin sa buhay ang mga tao lalo ang mga mahal sa buhay.

“If you’re going through something, don’t be afraid to let people in. Let your loved ones love you.” (Remate News Team)