Kidapawan, DavNor swimmers magilas sa FINIS Mindanao leg

Kidapawan, DavNor swimmers magilas sa FINIS Mindanao leg

August 13, 2022 @ 5:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kuminang ang pambato ng Kidapawan Long Wave Swim Team at DavNor Blu Marlins Swim Team sa katatapos na Mindanao leg ng 2022 FINIS Short Course Swim Series sa Davao del Sur Olympic pool sa bagong itinayong Governor Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti.

Ipinadama ng mga manlalangoy ng Kidapawan at DavNor ang kanilang lakas sa dalawang araw na event na nagsilbing qualifying event para sa National Finals na nakatakda sa  Agosto 20-21 sa New Clark Swimming Pool sa Tarlac.

“We’re very happy with the turnouts. Mahigit 100 koponan ang sumali sa huling leg ng serye dahil nakataya ang mga slot para sa National Finals. Natuwa rin sila sa programa natin, I’m extend heartfelt gratitude to the host province and officials led by Davao del Sur Governor Yvonne Rona-Cagas,” pahayag ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.

“Narito ang FINIS upang tumulong sa pag-angat hindi lamang sa swimming kundi sa iba pang kaganapan sa aquatics kabilang ang mga torneo na nilalahukan ng ng ating mga Para athletes. For the past decade FINIS and on my own personal capacity support the development of our athletes with disabilities,” ani Garcia.

Mula sa Mindanao, bumiyahe si Garcia sa Legazpi sa Bicol para pangasiwaan ang partisipasyon ng may 10 miyembrong Todo Paratriathlon Team sa Mt. Mayon Triathlon ngayong weekend. Si Garcia ang nag-sponsor ng koponan mula nang magsimula ang torneo noong 2015.

Ang Mindanao leg ang sentro ng FINIS-organized Davao Del Sur Aquatics Challenge ngayong Agosto  dahil gaganapin din sa lalawigan ang Finis Passig Islet 5K Open Water Swim Challenge sa Agosto 27 at Kids of Steel Triathlon Finis Green Aquathlon (mga bata at matatanda) sa Agosto 28 sa Digos City.

Ayon kay Garcia, sasabak sa national finals ang top 16 swimmers sa bawat event mula sa nakalap na oras matapos ang tatlong leg kung saan mas malalaking premyo ang naghihintay, kabilang ang training package para sa mga atleta na makakapagbura ng national record.

Kabilang sa mga batang swimmers na nakakuha ng  ticket para sa Clark meet ay sina Kail Kahulugan sa boys 6-under 100-m IM (2:25.16); Jacob Ansale sa mga lalaki 7-8 IM (1:58.24); Leonard Odelle Narreto sa boys 9-10 IM (1:28.33); Teofh Velez sa girls 7-8 100-m IM; Czarina Cavite sa girls 9-10 IM (1:20.00); Shan Cyril Luga sa girls 11-12 IM (1:21.00); Anthony Acedo sa boys 11-12 IM (1:26.34);

Ethan Bazylewich sa boys 13-14 IM (1:09.90); Rain Andrei Tumulac sa boys 15-16 IM (1:02.90); JohnBem Batalla sa boys 15-16 IM (1:17,00); Hansel Sarayan , 17-18 IM (1:09.00); Kate Ytang sa girls 11-12 IM (1:17.00);Jahred Carlos Basan sa boys 9-10 100-m backstroke (2:25.00); Zavrinah Pailagao sa girls 7-8 (2:22.97).RICO NAVARRO