Kidney ng baboy, matagumpay na nailipat sa isang pasyente sa US

Kidney ng baboy, matagumpay na nailipat sa isang pasyente sa US

October 20, 2021 @ 6:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbigay ng pag-asa sa kakulangan ng human organ para sa transplant ang matagumpay na paglilipat ng kidney ng isang baboy sa isang tao, matapos maibalitang normal na gumagana ang transplanted organ.

Sa isang ulat mula USA Today, ang surgery, na sasailalim pa sa peer review ay isinagawa sa NYU Langone Health.

Ayon sa ulat, galing umano ang transplanted kidney sa “pig genetically engineered to grow an organ unlikely to be rejected by the human body.”

Dagdag pa, isang brain-dead na pasyente naman ang recipient ng naturang kidney ng baboy.

Sinabi ni Dr. Robert Montgomery, director ng NYU Langone Transplant Institute, na sya ring nanguna sa operasyon, normal na gumagana at nakakapag-produce ng urine at waste product creatinine ang kidney.

“It was better than I think we even expected,” he said. “It just looked like any transplant I’ve ever done from a living donor. A lot of kidneys from deceased people don’t work right away, and take days or weeks to start. This worked immediately,” ani Montgomery. RNT