Kidzana Manila tuluyan nang magsasara

Kidzana Manila tuluyan nang magsasara

July 22, 2020 @ 1:14 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ititigil na ng KidZania Manila theme park ang operasyon nito sanhi ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Play Innovations Inc. na magsasara na ang KidZania Manila sa Agosto 31, 2020, ayon sa pahayag na inilabas ng ABS-CBN nitong Miyerkoles.

“With the COVID-19 pandemic and ensuing community quarantine, we have complied and suspended operations to prevent the further spread of the virus, which resulted to a massive impact on our revenues. Even if we are allowed to operate in the future, the ‘new normal’ will prohibit mass gathering and require children to remain at home. These conditions have left us with no choice but to close the play city’s doors permanently,” ayon sa pahayag.

“Our hearts go out to our employees. We are doing everything we can to aid them at this time of uncertainty,” dagdag pa nito, kung saan nabanggit din ang hakbang ng KidZania Manila na magbigay ng severance benefits at job placement programs.

Sarado na mula pa noong Marso 11 ang KidZania Manila alinsunod sa ipinatupad na quarantine dahil sa pandemya.

Inilunsad ito noong 2015 at kilala ito bilang pagbibigay-kaalaman at karanasan sa mga batang magkaroon ng iba’t ibang papel sa real-life establishments. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...