Kiefer bibida sa tune-up matches ng Gilas vs Korea

Kiefer bibida sa tune-up matches ng Gilas vs Korea

June 12, 2022 @ 2:43 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pangungunahan ni veteran player Kiefer Ravena, kasama si Rhenz Abando sa kanyang debut para sa Philippine men’s basketball team sa mga exhibition games laban sa Korea.

Kasama rin sa 12-man roster si naturalized Filipino citizen Ange Kouame sa inilabas na listahan  ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong Linggo.

Bahagi ang tuneup matches,  gagawin sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium,  sa  paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa ikatlong window ng 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Ang manlalaro ng Japan League na si Dwight Ramos, Korea-league bound na sina SJ Belangel, Carl Tamayo, RJ Abarrientos, Dave Ildefonso, Geo Chiu, William Navarro at Francis “Lebron” Lopez ay nagbalik sa national  team kasama ni La Salle center Kevin Quiambao.

Titimonin naman ni  Coach Nenad Vucinic ang koponan para sa  pares ng mga friendly na host ng Korea Basketball Association.JC