Kiefer nagretiro na sa SEAG

Kiefer nagretiro na sa SEAG

May 25, 2022 @ 1:31 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsiyo ni Kiefer Ravena, ang pinaka-decorated Filipino basketball player sa Southeast Asian Games, ang kanyang pagreretiro sa biennial meet.

Ayon sa 28-year-old cager, tapos ang kanyang paglalaro sa SEA Games, at huli ang paglalaro niya sa Vietnam Games.

Ginawa ni Kiefer ang anunsiyo, ilang araw matapos malaglag sa silver ang Gilas Pilipinas bunsod ng pagkatalo sa finals kontra sa Indonesia na hawak ni dating Gilas coach Rakjo Toroman.

“That’s it for me! Hanging these bad boys up for my last SEA Games,” ani Ravena sa kanyang Instagram story.

“Been my absolute pleasure playing for the Philippines.”

Bilang SEA Games delegate, nagwagi si  Ravena ng anim na medals, limang gold at isang silver sa tournament mula 2011, 2013, 2015, 2017, and 2019.

Kinapos siya na makuhang muli ang gintong medalya sa Hanoi, Vietnam nang hiyain sila ng Indonesia.

Agad naman humingi ng paumanhin sa fans si Kiefer dahil sa naging pagkabigo ng national men’s basketball team.

“Thank you SEA GAMES for the competition, relationship and memories! 13 straight is tough to beat and I’m proud of my team! Sorry we felt short.”

Sa ngayon target ng kampo ni Kiefer  na maglaro sa season opening ng Road Warriors sa Philippine Cup bago bumalik sa Japan upang ituloy ang career sa Lakestar.

Ayon sa insider, hindi pa naman kinokunsulta ni Ravena ang NLEX management kaugnay sa kanyang plano.

Inaasahang tatanggap si Ravena ng matinding multa at posibleng ban sa PBA kung hindi nito tutuparin  ang kasunduang  maglalalaro sa Road Warriors ngayon season.JC