Kiko, dumipensa sa paghuhubad, sinabing mas malala pa ang ama!

Kiko, dumipensa sa paghuhubad, sinabing mas malala pa ang ama!

March 17, 2023 @ 10:45 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – isa sa mga aktor na nakorner nang husto sa mediacon ng Vivamax new movie na Balik Taya ay ang aktor na si Kiko Estrada, anak ng aktor na si Gary Estrada kay Cheska Diaz, isa ring aktres.

Nabanggit kasi ng Cult Director na si Roman Perez na ‘sukdulan’ ang pelikulang Balik Taya kaya naisip ng mga taga-media na matindi rin amg paghuhubad na ginawa ni Kiko, na leading man nina Angeli Khang, Jela Cuenca at Azi Acosta.

“It’s not just a sexy movie naman because there is a bery story behind it. Good thing, we also have a very good captain kf the ship,” na ang tinutukoy ay si direk Roman.

Hindi rin naiwasan na ikumpara si Kiko sa ginawang pagpapa-sexy noon ni Gary sa movies.

Natawa si Kiko nang nag-comment siya sa comparison sa kanila ng kanyang ama.

“Mas malala pa yata ang ginagawa ng dad ko dati. Mas sexy pa yata ginagawa ng dad ko, ha, ha, ha!

“I know na mas malala pa ang dad ko kesa sa akin,” sabi ni Kiko.

Ano naman ang reaksyon ng kanyang mom na si Cheska sa pagpapa-sexy niya sa Vivamax particularly sa Balik Taya.

“Reaction ng mom ko? She loves it altough hindi siya nanonood ng mga intimate scenes ko pero sa acting department, yes. Also, she trust the director. Sabi nga, you will not run away from the screen pag si direk Roman ang direktor,” pagpuri pa ni Kiko kay Direk.

Follow-up question pa kay Kiko, naglalagay ba siya ng plaster sa kanyang private part kapag may sex scene?

“Nagpaplaster? Everything is professionally done. 30 yrs old na ako,” sabi ni Kiko.

Since tungkol sa sugal ang kanyang bagong project na Balik Taya, tanong sa kanya kung na-experience na ba niya ang magsugal.

“I never gamble. Isang beses ko kang siya na-experience sa slot machine kasama ko ‘yung tito ko. Kasi binigyan niya ako ng money to gamble. E, tinitingnan ako ng tito ko dahil binigyan nga niya ako ng pera, kaya ayun, nag-slot machine na lang ako kunwari,” kwento niya.

Nilinaw naman ni direk Roman na ang Balik Taya ay hindi sequel ng record-breaking erotic movie na “Taya” noong 2021. Ito ay iba at bagong istorya na may ibang dynamics ng gambling kung saan mga tao ang pinagsasabong at ang isa sa mga pinanggataya ay babae.

Mapapanood na ang “Balik Taya” sa Vivamax simula March 31, 2023. JP Ignacio