Kiko, gustong ma-challenge sa role!

Kiko, gustong ma-challenge sa role!

January 16, 2023 @ 8:35 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi pa nakakapag-portray ni Kiko Estrada ng dual roles sa pelikula man o telebisyon tulad ng papel ng kanyang leading lady na si Angeli Khang sa “Bela Luna.”

Ani Kiko, bet din daw niyang gumanap ng dual roles.

“I guess the exciting part of doing dual roles is the challenge. The challenge in creating your role in different situations. Sometimes you have prepared for it . Sometimes, not. It’s something that would challenge your imagination and even stimulate your senses so much,” aniya.

Hirit pa niya, pangarap din daw niya ang makapag-portray ng role ng isang taong may multiple personality disorder tulad sa pelikulang “Split. “

Sa pelikulang “Bela Luna” binibigyang buhay ni Kiko ang papel ni Arnold, ang live in partner ng empowered city girl na ginagampanan ni Angeli.

Ang Bela Luna ay kuwento ng dalawang magkaibang babaeng pinagtagpo ang landas.

Ito ang pinakabagong collaboration ng 2022 Wallachia International Film Festival Best Director MacArthur C. Alejandre, National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee at ng Reyna ng Vivamax na si Angeli.

Mapapanood na simula sa Enero 27 sa Vivamax plus, kasama rin sa cast sina Mark Anthony Fernandez at Julio Diaz. Archie Liao