Kilabot na miyembro ng robbery group timbog sa Parañaque OTBT ops

Kilabot na miyembro ng robbery group timbog sa Parañaque OTBT ops

October 13, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Parañaque City police ang isang 24-taong-gulang na suspect sa isinagawang manhunt operation kaugnay magkakasabay na pagsasagawa ng One-Time Big-Time (OTBT) operation nitong Miyerkules ng hapon (Oktubre 12).

Kinilala ni Parañaque City police chief P/Col. Renato Ocampo ang nadakip na suspect na si Jobeth Tindugan y Chavez, alias Rambo, residente ng Parañaque City.

Base sa report na isinumite ni Ocampo kay Southern Police District (SPD) director P/Col. Kirby John Brion Kraft, dakong alas-3:30 ng hapon nang maisakatuparan ang pag-aresto kay Tindugan sa harap ng Don Bosco Barangay Hall sa Parañaque City.

Sinabi ni Ocampo na si Tindugan ay napag-alamang miyembro ng Wilmar Ranille Criminal Group na responsable sa mga insidente ng pagnanakaw at paglipana ng illegal na droga sa ilang bahagi ng lungsod.

Dagdag pa ni Ocampo na ang suspect na may alias na Rambo ay may naka-pending na warrant of arrest dahil sa kasong robbery na may Criminal Case No. 2022-0190 na inisyu noong Pebrero 10, 2022 ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Honorable Judge Antonio Ray Abello Ortiguera ng Branch 195 at may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa sa halagang ₱ 100,000.00. James I. Catapusan