Kilalanin ang mga Pinoy sa likod ng larong, “Edge of Time”

Kilalanin ang mga Pinoy sa likod ng larong, “Edge of Time”

June 26, 2018 @ 12:43 PM 4 years ago


Dadalhin ka talaga sa future ng Pinoy-made video game na “Edge of Time” dahil sa graphics nitong pang-advance technology.

Isa itong 3D action and puzzle game na iikot sa mundo ng mga immortal monsters na tatawaging Aeus at ang misyon mong hanapin ang Shard – isang artifact na makapagsasalba sa mundo.

Ang “Edge of Time” ay sinasabing pruweba ng pagsisikap at debosyon para makatulong sa kaibigan mula sa konsepto ng realidad patungo sa pinagtulungang video game.

Gawa ito ng Pinoy game developer na Gilator, isang local indie game developer team na dati na ring nakilala dahil sa MMORPG na “Pacifica Online.”

Mula sa magkakaibigan na nangarap gumawa ng video game, ang Gilator ay pinangungunahan ni Galileo Lajara kasama sina Jeremiah Torrevillas (3D Artist, Art Director), Justine Aaron Torrevillas (Illustrator, Animation Designer), Donnie (Storywriter, Game Designer, Music Composer), at Lajara (Lead Programmer).

“Nalaman namin na pare-parehas din pala kaming nangangarap na makagawa ng video game dito sa Pilipinas. Dito na tuluyang nabuo ang kagustuhan naming apat na gumawa ng game na tatak Pinoy,” kuwento ni Galileo.

Ayon pa kay Galileo, kasama sa goal ng Gilator ang magbigay inspirasyon sa mga kabataan.

“We believe that game development can help get kids off the streets in the Philippines, that’s why we aim to inspire and empower them so that they can join us and spread this mission in the future.”

Nangangarap din ang grupo na makilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang isa sa mga major game development hub.

Samantala, sa ngayon ay libre at available na para sa inyong mga PC at iOS ang demo game ng “Edge of Time: Episode 1 – Rise of the Aeus”. (Remate News Team)