Kilalanin ang trending na Summa cum laude ng UP

Kilalanin ang trending na Summa cum laude ng UP

June 23, 2018 @ 11:28 AM 4 years ago


Instant celebrity ang isang 20-year-old lalaki dahil sa kanyang ‘nakatitiling’ artistahing looks pero malahalimaw na average grade.

Si Stephen Karl Quizon, o kilala rin bilang si ‘Sky’ ay nakakuha lang naman ng 1.193 weighted average grade at ang pinakaunang summa cum laude ng kanilang department Speech Communication and Theater Arts ng College of Arts and Letters sa University of the Philippines-Diliman.

Kaya naman sobrang napa-wow talaga ang mga netizen, lalo na ang mga babae sa sobrang paghanga sa tinawag na Oppa ng Bayan.

Sa isang interview ni Sky, ikinwento nito ang kanyang pagkagulat nang umani ng libo-libong likes and share ang kanyang graduation photo.

“I am really happy and humbled with all the congratulatory messages and other kind remarks that I have been continuously receiving from other people’s comments on my various photos.

“To be honest, since my sablay photo was uploaded, my phone would not stop vibrating. Notifications just keep on persisting,” natatawang kwento ng chinito cutie na tubong Tarlac.

Ngayong araw, June 23 ang graduation ni Sky kung saan siya ang magbibigay ng kanyang graduation speech. (Remate News Team)