Kilauea volcano sa Hawaii nag-alburoto na naman

Kilauea volcano sa Hawaii nag-alburoto na naman

January 6, 2023 @ 5:07 PM 3 weeks ago


HAWAII – Nagsimula na namang sumabog sa summit crater nito ang Kilauea vocano sa Hawaii nitong Huwebes, Enero 5.

Ito ang iniulat ng US Geological Survey humigit-kumulang isang buwan matapos na tumigil ito sa paglalabas ng lava.

Nakita ng Hawaiian Volcano Observatory ang liwanag sa pamamagitan ng webcam images, na indikasyon na nagsisimula na namang sumabog ang Kilauea sa loob ng Halemaumau crater nito.

Kasabay nito, itinaas na sa “red” ang volcano alert level ng US Geological Survey makaraang busisiin ang panganib na dala ng naturang bulkan. RNT/JGC