#Kili-kili goals, naging #Kili-Kili ads?

#Kili-kili goals, naging #Kili-Kili ads?

July 26, 2018 @ 3:54 PM 5 years ago


Japan – Kili-kili powers ang trip ng isang advertising company sa Japan.

Nagha-hire kasi ang Wakino Ad Company ng mga dalaga na go na go magpadikit ng mga customized ads at magpakita ng kili-kili nila sa publiko.

Isang ‘walking poster’ ika nga.

Bukod sa paghawak sa mga safety handrails sa public tranportation vehicles at pagtaas ng mga kamay, mahirap na makaisip kung paano mo pa maipapakita ang kili-kili mo para sa ganitong klase ng paga-advertise.

Isang beauty treatment at dermatology chain ang unang kliyente ng company kung saan ang ine-endorse nila ang painless armpit hair removal na swak talaga sa klase ng paga- advertise na ito.

Ang Wakino ay hindi ang unang kumpanya na gumagamit ng mga live na babae bilang mga billboard sa advertising.

Noong 2013, ang Absolute Territory PR ay nag-alok din ng advertising sa mga hita ng mga batang babae. (Remate News Team)