Kill plot vs. BBM bineberipika na ng PNP

Kill plot vs. BBM bineberipika na ng PNP

January 31, 2022 @ 11:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sumasailalim na sa balidasyon ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Police General Dionardo Carlos, Lunes.

Sinabi ni Carlos na mayroon nang nakipag-ugnayan sa kapulisan ukol sa nasabing ulat.

“We will validate it, mayroon na pong nakipag-ugnayan (coordinated with us), nais pong mag… with regards to this report, we are open because our commitment is to secure everyone, our commitment is for a peaceful election,” ani Carlos.

“If there is such a report, we will work on it,” giit ni Carlos.

Anang PNP Chief, ang mga impormasyong makakalap ng kapulisan ay ibibigay sa task unit, na siya namang gagawa ng mga nararapat na hakbang ukol sa isyu.

Nitong Linggo nang mismong kumpirmahin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatanggap ng online tip ang Office of Cybercrime (OOC) ng DOJ ukol sa sinasabing kill plot.

Pero nilinaw niya na ito ay bineberipika pa at maging ang National Bureau of Investigation ay inatasan niya na isailalim ito sa balidasyon.

PLANONG PAGPATAY KAY BBM IBINUNYAG

“WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready,” ang post na ito sa Tiktok ang dahilan para magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Department of Justice ukol umano sa planong pagpatay kay aspiring president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa isang mensahe na ipinadala sa Law Enforcement Outreach Trust and Safety ng Tiktok, hiniling ni Atty. Charito Zamora, officer-in-charge ng DoJ’s cybercrime group, sa naturang social media platform “to preserve the data related to the subject account while the Philippine authorities are working on the legal process for its disclosure.”

Ayon kay Zamora, tinatrabaho na ngayon ng opisin ni Kerri Woods ng Tiktok Law Enforcement Outreach ang naturang request ng mga imbestigador ng DoJ cybercrime office.

Lumiham din ang DoJ cybercrime probers sa kanilang counterpart sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police para tulungan silang imbestigahan ang naturang ’kill plot’ at kung sino ang mga nasa likod nito.

“An initial open source probe was conducted on the subject TikTok account with Uniform Source Locator (URL) https:/www.tiktok.com/@ljluna7 which initially revealed as a public account supporting xxx,” ayon sa liham ni Zamora sa NBI at PNP cybercrime groups nitong Enero 28, 2022. .

Ayon kay Zamora, nadiskubre nila ang planong pagpatay kay BBM, na siyang nangungunang presidential aspirant, matapos makatanggap ng tip ang kanilang tanggapan. “It was a tip that a TikTok post is circulating with  a message to kill BBM,” ani Zamora.

“As a matter of procedure, we immediately proceed in having it investigated because of the seriousness of the subject. It’s really an actionable intelligence concern,” paliwanag ni Zamora na tumangging magdagdag pa ng detalye ukol sa naturang ‘kill plot.’

Sa isang pahayag na ipinalabas ngayon, Enero 30, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni BBM na “while the report on the assassination plot is concerning, we will not cower by such threat. Bongbong shall continue to personally deliver his message around the country with firm resolve to unify the nation.”

“We commend the cybercrime office of the Justice department, through Sec. Menardo Guevarra, for its swift and uncompromising response to uncover those behind this open threat to harm aspiring president Bongbong Marcos,” ani Rodriguez. RNT