Killer, rapist timbog sa pulis

Killer, rapist timbog sa pulis

July 24, 2022 @ 12:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Dalawang most wanted persons ang nadakip ng Valenzuela Police sa Simultaneous Anti Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO).

Dinakip sa Meycauayan, Bulacan noong Hulyo 21 ang 19-anyos na si Aldrin Dalagan, ng Tugatog, Meycauayan City, Bulacan sa bisa ng warrant para sa kasong murder na walang inirekomendang pyansa na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 .

Nasakote rin sa nasbing petsa si JB Batillano alyas Ronilo Batillano, 30, ng Barangay Canumay West, Valenzuela City.

Dinampot si Batillano sa bisa ng warrant para sa kasong statutory rape, at malicious mischief na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City na walang inirekomendang piyansa. Merly Iral