Killer sa karibal at No. 1 most wanted, nasakote sa manhunt ops

Killer sa karibal at No. 1 most wanted, nasakote sa manhunt ops

December 2, 2022 @ 4:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na suspek sa murder case matapos nitong saksakin ang manliligaw ng kanyang ex-girlfriend dahil sa matinding selos sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Paul Vincent Ocampo Miranda alyas Bochok, 27-anyos, nakatira sa 1142 Pasaje Del Carmen St., Quiapo, Manila.

Ang paghuli kay Ocampo sa pangunguna ni PMaj Rommel R.Purisima, Acting Chief ng MPD-DSOU ay kasunod ng viral video nang sapilitang pagpasok ng suspek sa bahay ng dating kasintahan na si Jessica noong Agosto 11 sa Brgy. Manggahan, Pasig City.

Sa naturang viral video, makikita na dinistrungka ng suspek ang pintuan saka sinaksak ang biktima na manliligaw umano ng dating kasintahan.

Sinasabing matinding selos ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang krimen.

Nagtago ng apat na buwan ang suspek at sa pamamagitan ng pinaigting na survellaince ay natunton ito sa kahabaan ng Concepcion Aquilla St., kanto ng Nepomoceno St. sa Quiapo Huwebes ng gabi, Disyembre 1.

Siya ngayon ay nahaharap sa kasong murder buhat ng inilabas na warrant of arrest na inisyu ni Hon. Annielle B. Medes-Cabelis, Presiding Judge RTC Branch 167, Pasig City.

Ang suspek ay kabilang sa Rank 1 na most wanted person sa district level. Jocelyn Tabangcura-Domenden