Killer schedule naghihintay sa Gilas Pilipinas sa Bahrain

Killer schedule naghihintay sa Gilas Pilipinas sa Bahrain

November 21, 2020 @ 11:36 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang FIBA sa umano’y hindi makatarungang scheduling na tinawag nilang “killer schedule” ng mga laro sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifier sa Manama, Bahrain.

Ayon sa ulat, mapapasabak nang husto ang batang Gilas sa November window ng FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa ginawang pagbabago ng FIBA sa schedule matapos umatras ang Korea dahil sa takot sa COVID-19.

Sa bagong schedule, hihilaturan umano sa pagod sa laro ang all-cadets team ng Gilas Pilipinas dahil sasabak ang koponan sa apat na laro sa loob ng apat na araw sa Bahrain.

Ang unang laro ay kontra sa Thailand na gagawin sa November 27 at sa susunod na araw naman ay kontra Korea.

Sasabak din ang Gilas kontra sa handang-handang Indonesian team sa pangunguna ni Rajko Toroman sa Nobyembre 29 at sa Nobyembre 30 ay maghaharap muli ang Gilas at Thailand.

Ang ilang laro na dapat sa February pa gagawin ay inilipat sa Nobyembre dahil sa pag-atras ng Korea.

Masusubok dito ang tikas ng Gilas na sasandal kina collegiate stars Kobe Paras at Juan Gomez de Liano, maging sa special Gilas draftees na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi at sa kambal na sina Matt at Mike Nieto.

Kasalukuyang nag-eensayo ngayon ang Gilas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna at umaasang makakukuha ng sapat ng lakas para katawanin ang bansa sa Bahrain.

Kukumpleto sa 15-man pool ay sina Justine Baltazar, Dwight Ramos, Dave Ildefonso, Will Navarro, Jaydee Tungcab, Javi Gomez de Liano, Calvin Oftana at Kemark Carino. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...