Kilos-protesta ikinasa sa pagbisita ng US Defense chief

Kilos-protesta ikinasa sa pagbisita ng US Defense chief

February 2, 2023 @ 2:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagkasa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng
Bagong Alyansang Makabayan sa harap ng Camp Aguinaldo, Quezon City kasabay ng pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin nitong Huwebes, Pebrero 2.

Ang pagbisitang ito ay kasabay sa plano na ipatupad ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa limang lokasyon sa bansa.

Ayon sa BAYAN, hindi nila tatanggapin ang presensya ng mga militar ng US sa bansa kasabay ng panawagan ng demilitarization sa West Philippine Sea. RNT