Kim at Xian, ayaw magkainan!

Kim at Xian, ayaw magkainan!

September 16, 2022 @ 8:00 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang natawa sa sinabi ng real life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim nang tinanong kung kumusta ang pagsasama nila muli sa big screen via Always, an adaptation from a Korean movie, after 7 years. Ang huling pelikula nila together ay ang Bride for Rent wayback 2014 pa.

“Nagpapakiramdaman kami ni Xi sa eksena and it helps na kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. Nandu’n din ang bigayan. ‘Yung hindi ko kakainin si Xi at hindi rin niya ako kakainin,” sabi ni Kim na ikinabigla rin niya.

Ang ibig sabhin ni Kim ay hindi sila nagsasapawan sa eksena ni Xian.

“‘Yung pagiging komportable namin sa isa’t isa, e, hindi na nahirapan si Direk (Dodo Lumibao). Easier sa work environment namin,” sabi pa ni Kim.

Dinagdag din ni Kim na ngayong nag-work ulit sila ni Xian sa movie ay mas mature na sila when it come sa acting.

“Alam na namin ang kilos at galaw. Parehas kaming nagko-collab sa kung ano ang gagawin namin,” sabi niya.

Sinabi rin ni Kim na sa movie nila na Always ay lumabas ang dramatic side nila ni Xian.

Aminado naman si Xian na nanibago siya kay Kim.

“May onting pagkakahiyaan kami ni Kim pero the feeling of working back and working with Kim sa big screen, e, overwhelming,” sabi naman ni Xian.

“May trust na kami ni Kim sa isa’t isa and alam ko kung eksena ko na ito at alam ko kung eksena ni Kim,” sabi pa ng jowa ni Kim.

Ayan, abangers na at humanda na sa kilig na ibibigay nina Kim and Xian sa kanilang big screen reunion. Mapapanood na sa mga sinehan ang adaptation ng hit Korean movie na Always ngayong September 28 produced by Viva. JP Ignacio