Kim Chiu, fangirling kay Shawn Mendes

Kim Chiu, fangirling kay Shawn Mendes

July 5, 2018 @ 3:01 PM 5 years ago


 

Sino nga bang hindi kikiligin kapag napansin ka ng isa sa world’s hottest singers na si Shawn Mendes?

Kinilig ang aktres na si Kim Chui matapos siya mapansin, hindi lang isang beses kundi tatlong beses, ng singer na si Shawn Mendes matapos siyang makisali sa Instagram Live Q&A ng singer.

Ibinahagi ni Kim ang kilig moments niya kay Shawn sa kaniyang stories na siyang pinagsama-sama niya sa isang video na pinost niya kahapon.

Sa unang parte ng video,  makikita si Shawn na nagsasalita sa harap ng camera na may hawak na gitara nang biglang mag-comment si Kim na, “Have you been to the Philippines?”

Sinagot naman ito ni Shawn na, “Yes, I have been to the Philippines.”

Muli namang sinagot ng singer ang kaniyang comment na, “Can you say hi to the Philippines?”

“Hi to the Philippines!” sabi ni Shawn.

Dito na tuluyang umapaw ang kasiyahan ni Kim at sinabing  “OMG!! @shawnmendes answered my questions on his IG LIVE!!!! i die!!!!!!!!!!”

Sa pangatlong beses, muli nanaman siyang napansin ng singer at pinagbibigyan pa ang request nitong kantahin ang hit song niyang “Treat You Better”.

Sobra itong kinatuwa ng aktres na kilig na kilig pa sa nangyari.

Umani naman ito ng Iba’t ibang komento mula sa mga fans at talaga namang hindi maitatangging kinainggitan ang aktres. (Remate News Team)