Sa Instagram story na ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu ang nangyaring aksidente sa kanya kagabi sa EDSA.
Isang bus kasi ang bumangga sa kanilang sasakyan pero nang komprontahin ang driver ay ayaw nitong ibigay ang kanyang lisensya at company ID.
“OMG! Binangga kami! Ayaw pa magbigay ng driver’s license and company ID nung driver. Baka naka colorum ‘yung bus nila! LTO, please do something to this kind of bus company!,” ayon sa caption nito.
Samantala, wala namang nabanggit si Kim kung nasaktan ba siya at kanyang mga kasama dahil sa aksidente.
Sa ngayon ay kinukunan pa ng pahayag ang aktres sa iba pang detalye at kung nagkaroon ban g settlement ang dalawa. (Remate News Team)