Kim Chiu, nagpaawat sa signature bags!

Kim Chiu, nagpaawat sa signature bags!

March 13, 2021 @ 11:25 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Bago nanalasa ang pandemya ang huling bili ni Kim Chiu ng designer bag na kulang-kulang P280,000.

Ito ‘yung Louis Vuitton tote bag na bukod sa pagkakaroon ng Toton handles ay may dalawang mahabang strap para puwedeng isukbit sa balikat.

Convenient travel bag daw ito na nadala na niya sa kanyang mga biyahe sa Amerika at Europe.

At ngayon ngang hindi pa humuhupa ang pandemya, stop daw muna ang pag-i-spoil niya sa kanyang sarili ng mga mamahaling gamit, “It’s not the right time to go shopping for expensive stuff. I’d rather collect memories.”

Samantala, maraming fans ni Kim ang nagtatanong kung bakit sa tagal na nilang magkarelasyon ni Xian Lim ay wala itong nababanggit tungkol sa wedding proposal gayong dumarami na ang bilang ng mga engaged couples sa showbiz. Ronnie Carrasco III