Kim Chiu, nagpaliwanag sa pag-iyak sa pailaw!

Kim Chiu, nagpaliwanag sa pag-iyak sa pailaw!

September 15, 2022 @ 12:14 PM 3 weeks ago


Florida, USA – Hindi napigilan ni Kim Chiu na umiyak habang pinapanood ang fireworks display sa Disney World. Ipinost ni Kim ang video habang nanonood ng fireworks display sa US.

Sabi ni Kim sa caption, wala siyang pinagdadaanan lg mabigat na problema pero ‘di lang daw niya napigilan mapaiyak.

“Never thought that I would cry watching the fireworks display at Disney World. Indeed the most magical place on earth. Mixed emotions, It`s like a fairy godmother is telling me that anything is possible and everything will be alright.

“Wala naman akong mabigat na pinagdadaanan pero nakakaiyak lang, bakit ganu’n. Ang sarap umiyak sa Disney! Hahaha,” pahayag ni Kim.

Makikita sa video na talagang ang ganda ng fireworks. May netizen pang nag-comment na mistulang fairy tale daw ito sa ganda.

Samantala, happy rin ang lovelife ni Kim sa piling ng boyfriend na si Xian Lim. Gerry Ocampo